1. Mga Paunawa sa BeInCrypto

Ang lahat ng impormasyong nakapaloob sa aming website ay inilathala nang may mabuting hangarin at para sa kaalaman ng nakararami lamang. Ang https://beincrypto.com ay hindi nagbibigay ng anumang garantiya sa pagiging kumpleto, pagiging maaasahan, at pagiging tama ng impormasyong nakapaloob rito. Anumang aksyon na gawin ng mambabasa batay sa impormasyong nakasaad sa aming website (https://beincrypto.com) ay kanilang sariling pananagutan. Ang https://beincrypto.com ay hindi mananagot para sa anumang pagkalugi at/o pinsala na may kaugnayan sa paggamit ng aming website.

Mula sa aming website, puwede kang bumisita sa ibang mga website sa pamamagitan ng mga hyperlink palabas. Bagama’t sinisikap naming magkaloob lamang ng mga de-kalidad na links sa mga kapaki-pakinabang at makatuwirang website, wala kaming kontrol sa mga nilalaman at katangian ng mga naturang website. Hindi nangangahulugang nire-rekomenda namin ang mga nilalaman nga mga link sa ibang mga website na ito. “Maaaring magbago ang mga may-ari ng site at ang nilalaman nang walang abiso, at maaaring mangyari ito bago kami magkaroon ng pagkakataon na tanggalin ang link na maaaring nag-expire na.

Tandaan din na kapag ikaw ay umalis sa aming website, maaring mayroong ibang mga patakaran sa privacy at mga alituntunin ang mga ibang website na labas sa aming kontrol.

Siguraduhing tingnan ang mga Patakaran sa Privacy ng mga site na ito pati na rin ang kanilang ‘Mga Tuntunin ng Serbisyo’ bago makipag-ugnayan sa anumang negosyo o mag-upload ng anumang impormasyon.

2. Pahintulot

Sa paggamit mo sa aming website, nagbibigay ka ng pahintulot sa aming mga paunawa at sumasang-ayon sa mga tuntunin nito.

3. BABALA SA CRYPTOCURRENCY

ANG PANGANGALAKAL NG CRYPTOCURRENCY AY MAY PANGANIB AT MAARING MAGRESULTA SA MALAKING PAGKALUGI. ANG PABAGO-BAGO AT HINDI TIYAK NA KATANGIAN NG PRESYO NG MGA CRYPTOCURRENCY AY MAARING MAGDULOT NG MALAKIHANG PAGKALUGI SA LOOB NG MAIKLING PANAHON.

4. Walang Pagpapayo

ANG IMPORMASYONG IBINIGAY SA AMING SITE AY PARA SA KAALAMAN NG NAKARARAMI LAMANG. Walang bahagi ng aming site ang dapat ituring bilang alok, solisitasyon, rekomendasyon, endorso, o anumang uri ng payo sa pananalapi, pamumuhunan, buwis, o iba pang propesyonal na payo. HINIHIKAYAT ANG LAHAT NG GUMAGAMIT NA MAGSAGAWA NG SARILING PANANALIKSIK AT KUMONSULTA SA ISANG INDEPENDENT AT KUWALIPIKADONG FINANCIAL ADVISOR BAGO GUMAWA NG ANUMANG DESISYON SA PAMUMUHUNAN. ANUMANG AKSYON NA GINAWA BATAY SA IMPORMASYONG NASA AMING SITE AY NASA SARILING PANGANIB NG GUMAGAMIT. HINDI KAMI MANANAGOT SA ANUMANG PAGKALUGI NA MAARING MARANASAN NG GUMAGAMIT DAHIL SA PANGANGALAKAL NG CRYPTOCURRENCY.

5. KATIYAKAN

Bagaman ginawa namin ang lahat sa abot ng aming makakaya upang matiyak na ang mga impormasyon na nakapaloob sa aming website ay tama at napapanahon, hindi namin ginagarantiya o nirerepresenta na laging ganito. Wala kaming ipinapangakong partikular na resulta mula sa paggamit ng aming site. Hindi namin ginagarantiya o nirerepresenta ang pagiging tiyak, maaasahan, angkop, at pagiging available ng aming content, kasama, ngunit hindi nalilimita sa, implied warranties of merchantability, fitness for a particular purpose, o non-infringement. Ang mga user na umaasa sa mga impormasyong matatagpuan sa Aming Site ay kanilang sariling pananagutan. Wala kaming pananagutan sa anumang pagkakamali o pagkukulang sa nilalaman ng Aming Site.

6. Paggamit Komersyal

Hindi kami nagbibigay ng anumang representasyon o garantiya na ang nilalaman ng aming site ay angkop para sa komersyal na paggamit o na ito ay tiyak na datos at/o payo na maaaring gamitin bilang batayan sa mga desisyon sa negosyo.

7. Third party content

Ang Aming Site ay naglalaman ng mga article, impormasyon, data, link, alok at iba pang content mula sa mga third party. Ang pagsama sa mga naturang content ay di nangangahulugan na ineendorso namin ito. Hindi kontrolado at walang pananagutan ang Kompanya sa mga content na ito at ang pagiging tiyak, legal, o anumang aspekto ng mga third-party resource na ito. Anumang paggamit o pagtiwala sa mga third-party content na ito ay ginagawa ng gumagamit sa kaniyang sariling panganib. Malinaw naming itinatanggi ang anumang pananagutan mula sa paggamit ng anumang nilalaman, serbisyo, o website ng third party na makikita sa Aming Site. Mangyaring tandaan din na may ibang patakaran sa privacy at mga tuntunin sa paggamit ng site ang mga third party na labas sa aming kontrol. Pinapayuhan na suriin ang mga kaukulang patakaran sa privacy at mga tuntunin ng paggamit ng mga site na ito bago ito gamitin sa anumang paraan.

8. Seguridad

Bagaman ginagawa namin ang lahat ng makatwirang paraan upang masigurong ligtas ang aming site at walang mga error, virus, o malware, pinapayuhan ang mga gumagamit na maging responsable para sa kanilang sariling seguridad sa internet, pati na rin sa proteksyon ng kanilang personal na impormasyon at mga computer.

9. Compatibility

Hindi kami nagbibigay ng garantiya o representasyon na ang aming site ay magiging compatible sa lahat ng sistema o na ito ay magiging ligtas.