Si Gary Wang, co-founder at dating CTO ng FTX, tumutulong ngayon sa US government para gumawa ng mga anti-fraud software tools para sa pag-monitor ng cryptocurrency.
Ang collaboration na ‘to, na nagsimula sa plea deal niya noong 2022 sa Department of Justice (DoJ), layunin nitong palakasin ang transparency ng mga crypto exchange at pigilan ang financial fraud.
Gary Wang, Nakipag-partner sa US para Gumawa ng Anti-Fraud Crypto Tools
Sinabi ng legal team ni Wang sa isang recent court filing na malaki ang naging role niya sa pag-develop ng dalawang distinct software tools. Yung una, para ma-detect ang potential fraud sa public markets, at yung isa, para ma-identify ang illegal activities sa mga crypto trading platforms.
Ang involvement niya sa mga projects na ‘to, pinapakita yung effort niya na magbago after ng pag-collapse ng FTX. Umaasa siya na makakaiwas sa jail time habang hinihintay ang sentencing niya sa November 20.
“Sobrang nagsisisi si Gary at gumawa siya ng extraordinary steps para tulungan ang Government at iba pang nagtatrabaho para sa mga biktima ng FTX. Dahil dito at sa iba pang reasons, humihiling kami na mag-impose ang Court ng sentence na time-served,” sabi sa filing.
Ayon sa mga abogado ni Wang, hindi lang sa pag-develop ng technology ang cooperation niya. Kasama rin dito ang critical testimony na nakatulong sa conviction ni Sam Bankman-Fried (SBF), dating CEO ng FTX.
Read more: Sino si Sam Bankman-Fried (SBF), ang Infamous FTX Co-Founder?
During the trial, malaki ang naging role ni Wang sa pag-reveal na pinayagan ni SBF ang kanyang hedge fund, Alameda Research, na magkaroon ng unfettered access sa funds ng FTX customers via a secret “back door.” Ito ang nag-lead sa millions na unauthorized transfers.
Ipinaliwanag ni Wang sa kanyang testimony kung paano illegally ginamit ang funds ng customers para takpan ang trading losses at expenses ng Alameda. Ito ang nag-expose ng systemic fraud sa loob ng collapsed exchange. Kaya naman, ang collaboration niya with authorities, pinapakita ang attempt niya na magbayad para sa mga nagawa niya. Dahil dito, hinikayat ng kanyang mga abogado ang court na isaalang-alang ang kanyang cooperation sa pag-decide ng kanyang sentence.
Sinabi nila na invaluable si Wang sa pag-clarify ng technical aspects ng operations ng FTX para sa mga investigators. Idinidiin din nila na ang ongoing work niya with law enforcement ay nakatulong sa pag-intindi ng regulatory sa vulnerabilities ng crypto market.
However, hindi pa rin sure kung ang collaboration ni Wang ay mag-secure ng leniency. Recent cases, tulad ng kay Caroline Ellison, dating CEO ng Alameda Research, nag-cast ng doubt sa outcome na ‘to. Ang cooperation niya kasama ang pag-provide ng testimony against SBF at pag-reveal ng critical details about FTX’s financial misconduct.
Kahit na nakakuha si Ellison ng two-year sentence. Ipinapakita nito na, kahit na isinasaalang-alang ang cooperation, hindi ito guarantee ng leniency sa high-profile fraud cases tulad ng FTX.
“I’ve seen a lot of cooperators in 30 years. I’ve never seen one quite like Ms. Ellison,” sabi ni Judge Lewis Kaplan, binibigyang-diin ang severity ng mga crimes involved during Caroline’s sentencing noong September.
Samantala, ongoing ang efforts para mag-compensate sa mga biktima ng FTX. Recently, isang US court approved ang asset compensation plan na layuning mag-distribute ng estimated $14.7 billion to $16.5 billion sa mga creditors. Ang decision na ‘to, significant step toward financial relief para sa mga naapektuhan ng pag-collapse ng FTX.
Yet, maraming creditors ang nagpahayag ng frustration. Isa sa mga reasons, ang pag-schedule ng smaller claims for resolution by the end of 2024, habang ang larger claims, nakaharap sa protracted delays. Concerned din ang mga victims na ang payouts ay based sa FTX-era asset values. Magre-reduce ito ng potential recovery dahil most cryptocurrency values ay tumaas since the exchange’s collapse.
Read more: FTX Collapse Explained: Paano Bumagsak ang Empire ni Sam Bankman-Fried.
Habang hinihintay ni Wang ang kanyang sentencing, ang involvement niya sa anti-fraud initiative ng government at ang cooperation niya sa FTX trial, patuloy na humuhubog sa kanyang legal standing. Kahit na pinaglalaban ng kanyang mga abogado ang isang prison-free sentence dahil sa mga contributions niya, ang ultimate decision ay nasa kamay pa rin ng judge.
Katulad sa case ni Ellison, iwe-weigh ng judge ang collaboration at testimony ni Wang laban sa extent ng involvement niya sa downfall ng FTX.
अस्वीकरण
हमारी वेबसाइट पर सभी जानकारी अच्छे इरादे से और केवल सामान्य सूचना के उद्देश्य से प्रकाशित की जाती है, ताकि पाठक जागरूक रह सकें। हमारी वेबसाइट पर दी गई जानकारी के आधार पर पाठक द्वारा की गई प्रत्येक कार्रवाई पूरी तरह से उनके अपने जोखिम पर होती है।